an excerpt
Minsa'y may nagtanong sa'kin.
"kung bibigyan ka nang pagkakataon na tumakbo ng sobrang layo, tatakbo ka ba?"
walang kagatol-gatol, sasagutin ko sana sya nang isang malaking HINDI! pero ewan, bigla akong nanahimik.
para akong naputulan ng dila.naisip ko, nakakapagod 'yun. saka, eh ano naman kung tatakbo ako o hindi, may mangyayari bang iba?
pero sa tanong niya kung gusto kong tumakbo ang sobrang layo, Oo, gugustohin ko. Gugustohin ko basta kasama sya..
siguro nga, kahit na gaano kalayo ok lang, basta nandyan sya kasabay ko, for sure, kakayanin ko yun.. kaya naming dalawa..
sana nga ganoon lang kadali yon,ano? kaso, alam ko na kahit kelan, hinding-hindi ko na sya makakasama.. tatakbo pa kaya ako?
kahit kailan hindi ko na maibabalik ang mga pagkakataon na nagkasama kami. hindi ko na pwedeng balikan yun maliban lang sa panaginip ko.
Gusto ko uli makita yung mga ngiti niya, yung tawa niya. Yung ngiti nyang pinangarap ko na sana para sa akin..
Na sa tuwing ngumingiti sya na humihiling ako na sana para sakin lang yung mga yun. Gusto ko uli sya makita.. Yun lang. Sana nga pwede, pero alam ko na nangangarap lang ako. Na naman..
Kung meron mang isang taong gusto kong makasama ulit, siya yun. At kung meron mang isang tao na dapat ko nang kalimutan, siya rin yun. Magkaiba kami eh. Magkalayong mundo. Nagtataka ako kung bakit nagkrus pa ang landas naming dalawa.
Minsan tuloy naisip ko na siguro pinagtagpo kami talaga. Pero para saan pa? Kung hindi rin pala kami pwede. Wala lang, pinakilala lang kami ng isat-isa tapon nun wala na.. Limutan na. Ganon lang ba tagala yun?
Hanggan ngayon hindi ko parin lubos maisip kung bakit pa kami nagkakilala. Ginulo niya lang ang buhay ko. Ginulo niya pati kasulok-sulukan ng utak ko. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ko isusulat to. Pero alam mo ang nakakainis dun?
Sa sandaling panahon na nakasama ko sya, yun yong mga panahon kung kelan ako naging pinakamasaya. Nakakainis lang, dumaan lang siya para pangitiin ako at para paiyakin sa pag-alis niya.. Ang daya niya.. Sana hindi nalang siya nagpakilala, hindi ko sana nararamdaman to..
Kung pwede lang sanang mawala ang sakit sa matinding pagkapagod. Sa paglimot.. Kung sana ganun lang kadali yun.
Nakakatawa. Pero yun ang totoo.. Nang dumating siya, nagkaroon ako ng dahilan para sumaya.. Babawiin din naman pala..
Kung mabasa man niya 'to, sana maisip nya na naaalala ko siya. At sana, ako yung maging dahilan ng susunod na pagngiti niya...
-anGeL-

emo ang show ron nato angelyn ha.. :P
ReplyDelete